Habang nag chichikahan sina Lyn at Kevin, gumagawa naman sina Kuya Naprey at Jessica ng Origami. :)
Habang nag chichikahan sina Lyn at Kevin, gumagawa naman sina Kuya Naprey at Jessica ng Origami. :)
Serious talk nila Erica, Unad at Kuya Naprey sa kusina. :)
Ang saya saya naman talaga ng larong SUMO!
Congrats to the Sumo Girl Wrestlers! :)
Para sa kanilang unang task, kailangang maglakad ng housemates sa paraang ginagawa ni Naprey at si Naprey ang magtuturo sa kanila.
Naprey Almario (Official Fanpage)
“Big Brothers Says: Go to the Bedroom!!”
Gamit ang duck walk, paunahan silang pumunta sa lugar na binabanggit ni kuya. :) saya!!
The Reward:
Pagkatapos ng masayang laro, tinapos ni kuya ang unang pagsubok nila. Bilang sorpresa, binigay kay Naprey ang kanyang wheelchair. :) finally!
Maagang nagising ang housemates para magluto ng kanilang almusal. Tulong-tulong ang lahat sa pagprepare ng kanilang kakainin. Marami din kwentuhan tungkol sa experience sa pagkain at pagluluto. Na-ikwento ni Unad na nakakainis daw minsan magluto kapag may matanda sa kusina at masyado daw nakikialam. Si Steph naman ay may funny story tungkol sa kaibigan niyang bading. Naglalagay daw ito ng tinapay sa kanyang boobs at kapag nagutom na ay kakainin na nito ang nasa dibdib!
Si Nap naman ay napapakanta habang naghihiwa ng sibuyas, luya at kung ano pa. Nalilibang si Lyn sa pagkanta at kwento kina Unad kaya panay ang paalala ni Paco na baka masunog ang niluluto niya. Lugaw at tokwa ang menu for the day, at sinabihan ni Paco si Unad na maghiwa pa ng luya. Sabi ni Mark ‘wag masyado damihan at kalahati muna ang ilagay. Dagdag pa ni Unad, “Baka maging salabat na yan!” Natawa at pumayag si Paco na konti muna ang ilagay.
Matapos ang pagdating ng labinlimang bagong housemate, ngayon naman ay nalaman na natin kung sinu-sino ang magkakasama sa Day House sa pinagbukod na bahay ni Kuya.
Sina Pamu, Paco, Jaz, Seichang, Kim, at Kevin na mula na naunang batch ng Housemates ang makakasama sa kapapasok lang na sina Jessica, Lordwin, Nap, Erica, Mark, Unad, Lyn, at Steph.
Nahihimbing pa ang unang batch ng Housemates nang papasukin ni Kuya si Nap sa loob ng bahay at bigyan ng kanyang unang task: ang magluto ng almusal para sa kanyang makakasama sa bahay. Binigyan si Nap ng isang oras para tapusin ang challenge at nagampanan naman nya ang task, pero dahil sa hindi pa sya nakakapaghanda ng itlog na maalat, nailaga nya ang ito ng di oras.
Nang matapos si Nap sa pagluluto, pinalabas muna sya at doon lamang ginising ang mga Housemates at pinaupo sa dining table. Di nagtagal, pinaalam ni Kuya na oras nang sunduin ang panibagong housemates sa loob ng confession booth. Pero binilin ni Kuya na hindi dapat malaman ng mga bagong housemates na nauna sila ng isang linggo sa bagong grupo.
Naunang sinundo ni Seichang si Lyn. Dahil sa language barrier, natakot si Lyn na hindi sila magkaintindhan, ngunit noong nalaman na marunong mag-Bisaya ang binata, nawala ang kaba ng Housemaid of Honor.
Sunod na sinundo sa confession booth ay si Unad. Nang tanungin ni Kuya kung ano ang masasabi nya tungkol kay Jaz na sumundo sa kanya, inamin ng Maginoong Barako na hindi sya makatingin dahil hindi sya sanay sa suot ng dalaga.
Ngunit nang ipasundo ni Kuya ang susunod na Housemate kay Kim, nagulat ang dalaga nang ang madatnan sa confession booth ay si Mark—ang boyfriend nya. Binigyan ni Kuya ang magkasintahan ng espseyal na challenge: hindi dapat malaman ng ibang Housemate na may relasyon sila. Kung hindi nila makakaya ang task na ito, silang dalawa ay automatically na manonominate for eviction. Immunity naman ang naghihintay para sa isa kanila kung sakaling magtagumpay sila sa pagsubok ni Kuya.
Nang lumabas na si Jessica mula sa confession room, hindi maitago ni Kim ang kanyang reaksyon sa dalaga. Ito ba ay dahil nararamdaman nyang may maaring mabuong pagtingin ang Pinay Snow White sa kanyang boyfriend, o iniisip pa rin nito kung paano mananalo sa hamon ni Kuya?
Si Lordwin ang sumunod na lumabas pagkatapos sunduin ni Pamu. At nang pinapasok ni Kuya si Paco si confession booth, sinundo naman nito sina Erica at Steph. Laking tuwa ni Seichang nang malaman nito na marunong magsalita ng Nihonggo si Erica—ito na siguro ang chance ng Fil-Japanese na Housemate na mas ma-express nag mabuti ang sarili.
Nang sunduin ni Pamu ni Nap—ang natitirang Housemate para sa Day House—mukhang nabigla ang lahat nang makita ang kalagayan ng bago nilang kasama. Pero sa halip na ilagan ni Nap, pinalakpakan ng Housemates ang kanilang pang-labingapat na kasama. Matapos ang pag-welcome sa kanila ni Kuya, pinag-saluhan na nila ang almusal na hinanda ni Nap.
Umpisa na ang bonding sa loob ng Day House. kakayanin kaya nila ang mga unang hamon ni Kuya? Paano kaya maitatago nila Mark at Kim ang kanilang pagiging mag-boyfriend. At paano naman nilang haharapin ang mga darating na challenges?
Tumutok lang sa PBB Unlimited para makita ang mga susunod na pangyayari.
Sa unang araw ng pagsasama ng mga Housemates sa Day house, tinawag ni Kuya si Naprey upang alamin at ihatid sa kanyang mga kasama sa bahay ang kanilang unang task: ang maglakad ng katulad nya.
Sa task na ito, kailangang gampanan ng Housemates ang lahat ng gawaing pambahay tulad ng pagluluto ang paglilinis habang naglalakd na parang pato.
Nahirapan man ang mga Housemates, panandaliang nawala ang kanilang pagod nang ipaalam ni kuya na pwede na nilang kunin ang kanilang mga gamit sa storage room. Dinagdagan pa ng aliw ni Kuya ang araw ng mga Housemate nang maglaro sila ng “Big Brother Says.” Natuwa si Kuya dahil nakumpleto ng mga Housemates ang kanilang task.
Dahil na-experience ng mga Housemates ang buhay ni Nap kahit panandalian lamang, isa-isang silang nagpahayag ng paghanga sa kanya. “Nakaka-inspire sya kasi never syang nag-give up,” sabi Kim. “Ang tapang nyang tao,” dagdag naman ni Erica
Matapos ang task, inilabas na ang wheelchair ni Nap. Kitang-kita ang tuwa sa mukha nya at sa mga kapawa Housemates dahil ibig sabihin na mas makakagalaw na ng maayos si Nap sa loob ng bahay.